by: George Palencia, Al-Khobar
re-print from Abante
Arne Osabel
Jeanne Eledia Arlene Calleja Timothy John GamolNapili na ang apat na winners para sa Search for Pop Icon sa Eastern Region noong Abril 2, 2010 na ginanap sa Park Inn Hotel sa Al-Khobar. Ang siyam na finalists sa Pop Icon ay sinuportahan ng kani-kanilang mga taga hanga ng gabing iyonna halos mapuno ang venue ng Park Inn Hotel.
Ito ay sinuportahan sin ng S.E. Productions, ang main organizer ng Pop Icon sa K.S.A. na mga taga Riyadh na bumiyahe pa patunogng Al-Khobar. Sila ay sina Mr. Rani Basanta (CEO), Nilan Lozada, Dexter Lorente, Michael Sergio, Jerome Barrera, Jei-C Manuel, Veejay Aragon, Ron Jacobe, John Tapales, Ramed Borja, Willy Ignacio at Noel Martinez.
Sa simula ng kumpetisyon ay pinakilala ang siyam na kalahok na magkakaroon ng anim na pipiliin hanggang sa final four na manananlo at siyang magiging representante ng Eastern Region sa Grand Finals na gaganapin sa Philippine Embassy sa Riyadh.
Ang bawat kalahok ay pipili at kakantahin ang mga naging hit songs ng Queen and King ng Pop Music na sina Madonna at Michael Jackson with their own version. Pinakilala din ang limang respetadong hurado na sina Jojo BOllozos ng Riyadh, Auruel V. Magtuto (Head Judge), Ms. Mary Jane Tupas (Bagong Bayani Awardee/ Pangulo ng OFW Congress), George Palencia ng Orbit Showtime Network at Founder/ Chairman ng FAHAP-Filipino Association of HR & Administrative Professionals at Jose Fabregas. Sa Siyam na mga kalahok, ang pumasok na anim na finalists ay sina Alissa Andrea Liangco ng kinanta ang Beat It ni Michael Jackson, Arelen Calleja (Material Girl ni Madonna), Francis Alexes S. Noces (She’s Out of my Life), Jeanne Eledia (Vogue), Timothy John Gamol (I’ll Be There) at Arne Osabel (I Just Can’t Stop Loving You).
Ang partner organizer ng S.E. Prodcutions na Saring Himig Choir ay nagbigay ng Intermission Number at siyang nag Choreograph para sa Search for Pop Icon sa Eastern Region.
Guest Singer din ang WCOPA Grand Champion – Senior Vocalist of the World 2009 na si Kimverlie S. Molina.
Sa second part ng kumpetisyon, medyo nahirapan ang mga hurado sa dahilan na panay mahuhusay ang anim na kalahok at ang apat na winners na nakapasok with their winning pieces ay sina Arne Osabel (This is the Moment), Arle Callej (Big Spender), Jeanne Eledia (I Turn To You) at Timothy John Gamol (Impossible Dream). Silang apat ang magre-represent to compete with Jeddah and Riyadh sa Grand Finals na gaganapin sa Philippine Embassy sa Riyadh.
Sa mga hindi pinalad at magagaling din naman na talagang binigay nila ang kanilang best ay sina Comeny Teodoro (Heal the World), Noel Recondo (One Day in Your Life), Dexter Hipona (Crazy for You). Natanggap din ng award for Most Popular Pop Icon sa Eastern Province si Timothy John Gamol base sa nakuhang polularity votes sa mga audience ng gabing iyon.
Ang pamunuan at organizer ng Search for Pop Icon sa Easter Province ay pinangungunahan nina Mario Patacsil at Allen N. Gallardo ng Saring Himig Choir. Ang naging host ng gabing iyon ay sina Sharon Gay M. Suba at Dennis Lambus.
Ang mga major Sponsors ay ang Western Union, Mabuhay Mobily, Crème 21 at Electro. Gayundin ang Kuwait Airways, Park Inn Hotel (Fouad Mansour, Wassim Tarabay, Arman Ramos & Jefferson Egipto), Aujan Industries Company, Orbit Showtime Network c/o Mr. Malek Abdul Wahab & Osama Balora), Giordano, SG & WA, Century Properties Phils. Group, SARA Corporation Excel Unit, INDOMIE, Imeprial Leather, Auto Star, Plamer, Bossini, Milton Lloyd Fragrances, Al Yusr Installment Co. Tulip Inn Riyadh, Mr. & Mrs. Abdulrahman Cetro.
Jonrey Savia - Pop Icon Saudi Arabia 2009 Finalist Kimverlie Molina (WCOPA 2009 Sr. Vocalist Champion) Saring Himig Sharon Gay Suba at Dennis Lambus
Read more...